May isang ordinaryong empleyado sa kumpanya ni Rockefeller na labis na nagmalaki tungkol sa produkto ng kumpanya kaya binansagan siyang, “Isang bariles ng langis, $4.”
Kalaunan, naging presidente pa siya ng kumpanya.
Sa pamamagitan ng kanyang kuwento, mauunawaan natin na pag ipinagmalaki natin si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina na dumating bilang ang mga Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo at ipinangaral ang katotohanan ng kaligtasan, magiging karapat-dapat tayong pumasok sa kaharian ng langit.
Ang mga anak ng Diyos ay hindi dapat na magpadala sa mga opinyon ng ibang mga tao ni sumunod sa mga uso ng mundo.
Dapat silang tumingin tanging sa opinyon ng Diyos at magpahalaga sa gawain ng pangangaral ng ebanghelyo.
Saka lang sila makakapamuhay alinsunod sa mga propesiya, makakapakinabang ng sampung talento, at mapupuri ng, “Magaling!”
“[A]ng mga nagpabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanpaman.”
Daniel 12:3
Araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, hindi sila tumigil sa pagtuturo at pangangaral na si Jesus ang Cristo.
Acts 5:42
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy