Gayunman, sa kolehiyo, nagsimula akong mag-alinlangan kung totoo ba ang aking kinalakihan o ang aking mga relihiyosong paniniwala o kung mga kaugalian at mga tradisyon lang ang mga ito.
Kaya habang hinahanap ko ang mga sagot, naimbitahan ako ng mga miyembro ng Church of God na mag-aral ng Biblia.
At sa pag-aaral ng Biblia, talagang namangha ako sa kung ano ang ipinakita nila sa akin sa Biblia.
Kaya talagang nakita ko na ang mga tinuturo ng Church of God ay lehitimo at na tiyak na ito ang katotohanan.
Sa lahat ng bagay na natutunan ko sa Church of God, masasabi ko na ang pinakakamangha-mangha at ang pinakanakaaantig para sa akin ay ang pag-aaral tungkol sa Diyos Ina.
at ipinakita nila ito sa akin sa pamamagitan ng Biblia, labis akong nagulat at namangha.
At kamangha-mangha iyon dahil lagi kaming sumisimba at naniniwala sa Diyos Ama, pero heto, ang Biblia ay nagpapatotoo tungkol sa ating Makalangit na Ina, ang Diyos Ina.
At nang nalaman ko ang tungkol sa Bagong Jerusalem, ang Babaing ikakasal, at na ang asawa ng Kordero ay ang ating Makalangit na Ina,
nagulat ako nang natutunan ko rin na pinatototohanan Siya sa pasimula ng aklat ng Genesis, nang sinabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.”
Kaya heto. Heto ang Diyos Ina na pinatototohanan mula sa unang aklat na Genesis hanggang sa huling aklat na Revelation.
At naunawaan ko na ang patotoo tungkol sa Diyos Ina ay mula sa pasimula ng Biblia.
Pinupuno nito ang buong kasulatan.
Naging madali para sa akin ang paniniwala sa Diyos Ina nang nag-aral ako ng Biblia.
Gayunman, naging medyo mahirap na paniwalaan na ang Diyos Ina ay dumating sa laman.
At sa palagay ko, ang paraan kung saan nagawa ko rin itong maunawaan sa wakas ay sa pagbabalik-tanaw sa nangyari kay Jesus 2,000 taong nakalilipas.
Sa pamamagitan nito, naunawaan ko na para matanggap ko ang Makalangit na Ina na dumating sa laman, hindi ako dapat na lumapit o maniwala sa Diyos Ina sa pamamagitan ng aking mga limitadong ideya, mga pang-unawa, o mga pagpapalagay.
At kailangan kong makita at maniwala sa Makalangit na Ina sa pamamagitan lang ng mga propesiya sa Biblia.
Kung may sino mang nahihirapang tanggapin ang Diyos Ina, sasabihin ko sa kanila na simulan ang pang-unawa sa Diyos Ina sa pagtingin sa paglikha sa kanilang paligid.
Ang buhay ay nagmumula sa isang ina; ito ay ang di-nababagong kautusan ng kalikasan ng Diyos na Siya mismo ang nagdisenyo.
At ang dahilan para dito ay na nais ipakita sa atin ng Diyos na hindi lang may Ama kundi may Ina na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
Bago ako pumasok sa Church of God, lagi akong nag-alala tungkol sa kung magagawa ko ba ang mga tamang desisyon sa buhay at kung magagawa kong maisapamuhay nang maayos o hindi ang aking nag-iisang buhay.
Gayunman, matapos kong matanggap ang katotohanan at matutunan ang tungkol sa mga utos ng Diyos, sa wakas, nakaramdam ako ng kumpiyansa, kasiyahan, at kapayapaan na magagawa kong sundin ang Diyos at mamuhay nang karapat-dapat sa langit bilang isang anak ng Diyos.
Kung may sino mang nag-aalinlangang pumunta sa Church of God, iminumungkahi kong pumunta lang kayo sa tuwing may pagkakataon kayo na mag-aral ng Biblia.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy