Nakarekord sa Biblia ang propesiya na ang Diyos na darating sa laman ay uupo sa trono ni David. Nangangahulugan ito na gaya ng kung paanong umakyat si David sa trono sa edad na 30, ang Diyos na darating bilang tao ay babautismuhan sa edad na 30 at magsisimula ng Kanyang ministeryo ng ebanghelyo; ito ay mahalagang tanda para makilala ang Diyos na dumarating sa laman.
Gayunman, hindi gaya ni Haring David na naghari nang 40 taon, si Jesus ay tatlong taon lang na nangaral ng ebanghelyo bago umakyat sa langit. Kaya para matupad ang natitirang 37 taon ng propesiya, ang Diyos ay dapat na muling pumarito sa anyong tao.
Ayon sa propesiya ng paghahari ni David, si Cristo Ahnsahnghong ay nabautismuhan sa edad na 30 at tumupad sa natitirang 37 taon ng ministeryo ng ebanghelyo. Dinala rin Niya ang walang hanggang tipan, ang Paskuwa ng bagong tipan, na isa pang tanda ni David.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy