Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na lumikha ng liwanag at gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, ay pumarito sa lupa sa ikalawang pagkakataon. Noong 1948, nang malambot na ang mga sanga ng puno ng igos (Israel) na natuyo nang 1,900 taon at umusbong na ang mga dahon, si Cristo ay dumating sa Korea at nagsimulang mangaral ng ebanghelyo.
Ang lupain na prinopesiya ng mga propeta ng Israel bilang ang lugar kung saan muling darating si Cristo ay ang pinakamalayong sulok sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa sa silangan — ang Korea. Pinili ni Cristo na magdusa para sa ating kaligtasan. Gayunman, hinangad lang natin ang tinapay para sa katawan natin, sa halip na tinapay ng buhay para sa ating kaluluwa.
“Ibinigay sa atin ni Jesus ang tipan ng buhay: ‘Kung kakainin niyo ang Aking laman at iinumin ang Aking dugo, magkakaroon kayo ng buhay sa inyong sarili.’ Walang mas dakilang himala kaysa dito.”
Ang tinapay ng buhay ay ang laman at dugo ni Cristo.
“ ‘Kumuha kayo, kainin ninyo; ang tinapay ng Paskuwa ay ang aking katawan.’ ” Mt 26:26
‘Ito [alak ng Paskuwa] ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.’ ” Mt 26:27–28
Kinailangang dumating si Cristo sa ikalawang pagkakataon dala-dala ang Paskuwa ng bagong tipan para iligtas tayo. Bago bumalik si Cristo sa langit, isang bagay lang ang hiniling Niya: Ito ay ang makatanggap ka ng kaligtasan.
Kung hindi dumating si Cristo sa lupang ito, hindi natin malalaman kung ano ang pag-ibig.
Kung hindi nagdusa si Cristo, hindi natin malalaman kung ano ang sakripisyo.
Kung si Cristo ay nanatili lang sa langit, hindi natin Siya pananabikan.
Mahal natin si Cristo na dumating sa ikalawang pagkakataon para iligtas tayo.
Naririnig mo ba?
Naririnig mo ba si Cristo na kumakatok sa pinto ng iyong puso?
Mahal ka ni Cristo.
Nais ka Niyang bigyan ng buhay na walang hanggan.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy