Ang kasalanan na pagkain mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay naipasa sa sangkatauhan mula kina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden.
Para makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, kailangan nila ang katotohanan ng punungkahoy ng buhay na tumutulong sa mga kumakain ng bunga nito na magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Tanging ang mga nakakaunawa sa sakripisyo at pag-ibig ni Cristo Ahnsahnghong at ng Makalangit na Ina, na nagdala ng punungkahoy ng buhay, at nagdiriwang ng katotohanang ito nang buong puso ang makakalaya mula sa kasalanan ng kamatayan.
Ang kasalanan ng kamatayan, na minana kay Adan, ay dapat na maalis mula sa mga taong nagnanais na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit.
Kaya si Cristo Ahnsahnghong ay pumarito sa lupa sa ikalawang pagkakataon at nagdala ng Paskuwa ng bagong tipan, ang katotohanan ng punungkahoy ng buhay, para patawarin ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan at bigyan sila ng pamana ng kaharian ng langit.
At ito ang pangako na kanyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.
1 John 2:25
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan”
John 6:53–54
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy