Nang nakita ni Apostol Juan ang sawimpalad na sitwasyon kung saan ang buong sangkatauhan ay pupunta sa impiyerno, siya ay labis na umiyak. Gayunman, sinabi sa kanya ng isa sa matatanda, “Sa hinaharap, bubuksan ng Ugat ni David ang Biblia na natatakan at ililigtas ang sangkatauhan.” Si Cristo Ahnsahnghong ay nabautismuhan sa edad na 30 alinsunod sa buhay ni David; tinapos Niya ang nalalabing 37 taon at hinayag ang bagong tipan at ang tungkol sa ating Makalangit na Ina, na mga lihim ng Biblia na natatakan.
Dahil ang mga lihim ng Biblia ay mabubuksan tanging ni David, dapat na makatagpo ng sangkatauhan si David. Si Cristo Ahnsahnghong, na dumating bilang si David, ay nagturo sa sangkatauhan tungkol sa walang hanggang kaharian ng langit sa halip ng mga bagay sa pansamantalang buhay na ito. Gayundin, tinuro Niya ang pag-iral ng Diyos Ina, ang espirituwal na Eva, na nakatago sa loob ng panukala ng Diyos. Kaya naman, ang lahat ng bansa ay nagpupuntahan sa Church of God kung saan naninirahan ang Diyos Ina.
Ako’y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito. At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”
Revelation 5:4–5
At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom, ay gayundin naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya.
Hebrews 9:27–28
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy