Sinasabi ng aklat na ito na ang pinakamahiwagang bahagi ay ang Genesis kung saan tinutukoy ang Diyos bilang “Natin.” Nang nilalang ng Diyos Ama ang tao, hindi Niya sinabing,
“Lalalangin ko ang tao;” sa halip, sinabi Niyang, “Lalangin natin ang tao”Genesis 1:26
Ang Diyos ay isa, ang “Ama”! Kung gayon, bakit nilalarawan ang Diyos bilang “Natin” sa Biblia?
“Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa”Genesis 1:1
Sa Torah, ang orihinal na teksto ng Biblia, nasusulat ito bilang “Elohim” na ang ibig sabihin ay “mga Diyos.” Ang Elohim ay nangangahulugang “mga Diyos” na pangmaramihang anyo ng “El” o “Eloah” na tumutukoy sa Diyos sa pang-isahang anyo. Sa Biblia, nirirekord ang Diyos bilang mga Diyos (Elohim) nang mahigit 2,500 beses.
Ipinapakita nito na tiyak na may isa pang Diyos, hindi lang ang “Diyos Ama.” Lalaki at babae ang nalalang sa larawan ng Diyos.
“Kaya’t nilalang ng Diyos [Elohim] ang tao ayon sa kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos [Elohim] siya nilalang. Sila’y kanyang nilalang na lalaki at babae”Genesis 1:27
Ang lalaki ay nalalang sa larawan ng “Diyos Ama.” Ang babae ay nalalang sa larawan ng “Diyos Ina.” Ang “Elohim,” ang Tagapaglikha, ay ang Diyos Ama at “Diyos Ina.”
Nakapropesiya na magpapakita ang Diyos sa mga huling araw (1 Timothy 6:15).
Sa Panahon ng Anak, nagpakita ang Diyos bilang si Jesus.
Sa panahong ito, ang Elohim, ang Diyos Ama at “Diyos Ina” ay darating sa laman para iligtas ang sangkatauhan.
Ang World Mission Society Church of God ay naniniwala kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina bilang ang Espiritu at Babaing ikakasal, ang mga Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy