Ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama at ang
punungkahoy ng buhay, na nilagay ng Diyos sa Halamanan ng Eden,
ay isang talinghaga at isang kopya na nilikha ng Diyos para turuan
ang sangkatauhan tungkol sa kaharian ng langit.
Tanging ang Diyos ang makakapagbukas ng daang patungo sa
punungkahoy ng buhay mula sa Halamanan ng Eden na
nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
Para bigyan tayo ng buhay na walang hanggan, ibinigay sa atin
ni Jesus ang Paskuwa ng bagong tipan 2,000 taong nakakalipas,
at ibinigay sa atin ni Cristo Ahnsahnghong ang Paskuwa ng bagong tipan
sa panahong ito. Kaya si Cristo Ahnsahnghong ay Diyos.
Tiyak na magpapakita ang tunay na Cristo alinsunod sa mga patotoo
ng Biblia at ng mga propeta. Gaya ng ipinangaral ng mga banal
ng sinaunang Simbahan na si Jesus ay ang Cristo saan man sila pumunta,
dapat nating ipangaral na si Amang Ahnsahnghong na nagdala ng
Paskuwa ng bagong tipan sa panahong ito ay ang Cristo
na dumating sa ikalawang pagkakataon.
“Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay
may buhay na walang hanggan, at siya’y muli kong bubuhayin
sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain,
at ang aking dugo ay tunay na inumin … ang kumakain sa akin
ay mabubuhay dahil sa akin.”
John 6:54–57
Nang dumating ang oras ay naupo siya sa hapag, at ang mga apostol
ay kasama niya. Sinabi niya sa kanila, “Pinakahahangad kong kainin
na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago ako magdusa”
Luke 22:14–15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy