Ang paraan upang makatakas sa mga sakuna ay ang ipagdiwang ang Paskuwa ng bagong tipan. Tanging ang Church of God, na itinatag ni Cristo Ahnsahnghong na dumating sa ikalawang pagkakataon gaya ng prinopesiya sa Biblia, ay nagdiriwang ng Paskuwa ng bagong tipan alinsunod sa mga katuruan ng Biblia.
Nagpapatuloy ang pagbabago sa klima, mga lindol, mga bagyo, mga taggutom, at mga digmaan at hindi tumitigil ang patayan. Kung ang mga sakunang ito ay dumating sa akin, maiiwasan ko ba ang mga ito?
Mga digmaan! Mga taggutom! Mga lindol! Ang mga taong nawalan ng kanilang mga anak ay tumatangis, tinatawag ang kanilang mga pangalan. Ang mga taong nakadamit ng sira-sira at nagugutom ay kumakain ng lupa at dumadaing nang tahimik.
Nanginginig tayong lahat sa takot sa pagbabago sa klima, mga lindol, mga bagyo, mga digmaan, mga taggutom, at mga nakakahawang karamdaman na maaaring dumating sa atin sa ano mang panahon.
Pakiusap, pakinggan ang aming pagdaing sa mga sakuna! O, Diyos na Makapangyarihan sa lahat na naglabas sa mga Israelita mula sa mga sakuna sa pamamagitan ng Paskuwa! Pakiusap, maawa sa amin at ipaalam sa amin ang daan para maligtas mula sa mga sakunang ito! Pakiusap, iligtas kami!
Mga 3,500 taong nakakalipas, nang dinala sa Ehipto ang malaking salot na pagpatay sa panganay, ang mga pamilyang nagdiwang ng Paskuwa sa pagkatay ng mga kordero na isang taong gulang at sa paglalagay ng dugo nito sa mga haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, ay hindi napahamak sa ano mang paraan.
“Ang dugo [ng kordero ng Paskuwa] ay magiging sa inyo’y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan; kapag aking nakita ang dugo, lalampasan ko kayo at walang salot na papatay sa inyo, kapag pinuksa ko ang lupain ng Ehipto”Ex 12:11–14
Ang Paskuwa, isang tanda ng kapangyarihan ng Diyos, ay iniingatan tayo mula sa mga sakuna! Ang Paskuwa na ginanap sa Ehipto ay isang anino. Ang Paskuwa na itinatag ni Jesus bago Siya maipako sa krus ay ang realidad (Lk 22:20; Mt 26:17).
Ang Paskuwa ng bagong tipan, na sa pamamagitan nito ay makakabahagi tayo sa mahalagang dugo ni Jesus, ay dapat ding maipagdiwang sa panahong ito. Pero sa Konseho ng Nicaea na naganap noong A.D. 325, ang Paskuwa ng bagong tipan kung saan ipinangako ang mahalagang dugo ni Jesus ay lubusang inalis.
Gayunman, gaya ng sinabi ng Diyos na, “Ito ay mabilis kong gagawin sa kapanahunan nito” (Isa 60:22), dumating ang takdang panahon, at ang Paskuwa — ang katotohanan ng Diyos — ay naihayag. Si Cristo Ahnsahnghong, na dumating sa ikalawang pagkakataon gaya ng prinopesiya sa Biblia, ay nagbalik sa Paskuwa ng bagong tipan.
“Sa buong mundo, tanging ang World Mission Society the Church of God (General Pastor Kim Joo-cheol) ang nagdiriwang ng Paskuwa gamit ang tinapay at alak gaya ng Huling Hapunan ni Jesu-Cristo.”
O, Diyos, hayaang ipangaral namin ang Paskuwa ng bagong tipan, ang tanging paraan upang makibahagi sa mahalagang dugo ni Jesus, nang sa gayon, ang buong mundo ay makapagdiwang nito at maligtas mula sa mga sakuna!
Pakiusap, pumunta sa Church of God na itinatag ni Cristo Ahnsahnghong na dumating sa ikalawang pagkakataon alinsunod sa mga propesiya ng Biblia, at ipagdiwang ang Paskuwa ng bagong tipan at maligtas mula sa mga sakuna at tumanggap ng buhay na walang hanggan.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy