Ang pagdurusa ni Moises at ng mga Israelita mula sa oras na nag-Paskuwa sila at umalis sa Ehipto hanggang sa nakatawid sila sa Dagat na Pula ay natupad sa pamamagitan ng paghihirap at pagdurusa na pinagdaanan ni Cristo sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na siyang araw pagkatapos Niyang mag-Paskuwa.
Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay isang kapistahang nagpapakita ng pagdurusa ni Cristo, na realidad ng kautusan ni Moises sa Lumang Tipan. Sa panahong ito, sinabihan tayo ng Diyos na makibahagi sa pagdurusa ni Cristo sa pamamagitan ng pag-aayuno, at na maging sakdal sa pamamagitan ng pagdaig sa lahat ng pagdurusa na maaaring pagdaanan ng bawat isa sa atin.
Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin, mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama niya, upang tayo’y luwalhatiin namang kasama niya. Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. Romans 8:16–18
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy