Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay isang kapistahan para makapagbalik-tanaw tayo sa buhay ng pagdurusa ni Cristo, makapagsisi sa ating mga kasalanan, at matalikuran ang pananampalatayang gaya ng sa isang bataat lumago sa isang ganap na pananampalataya gaya ng ginawa ni Apostol Pablo, upang matutunan nating maging tunay na magpagpasalamat kahit sa maraming paghihirap na kinahaharap natin sa ating buhay-pananampalataya.
Si Jesus ay hindi nagsapamuhay ng buhay ng kaluwalhatian at karangalan na nararapat sa Kanya bilang Diyos. Sa halip, tiniis Niya ang pagdurusa sa krus, pangungutya, at poot mula sa iba para sa Kanyang mga anak. Gaya nito, ang mga miyembro ng Church of God ay nagsasapamuhay ng buhay para sa iba, hindi para sa sariling kasiyahan. Nagsisikap sila na maipanganak na muli bilang ang mga ganap na nilalang na nais ng Diyos.
Nang magkagayo’y pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang mga damit, na sinasabi, “Nagsalita siya ng kalapastanganan. Bakit kailangan pa natin ng mga saksi? Narito, narinig ninyo ngayon ang kanyang kalapastanganan. Ano sa palagay ninyo?” Sumagot sila at sinabi, “Karapat-dapat siya sa kamatayan.” Pagkatapos ay kanilang niluraan siya sa kanyang mukha at siya’y kanilang pinagsusuntok; at sinampal siya ng iba, na nagsasabi, “Ipahayag mo sa amin, ikaw na Cristo! Sino ang sumuntok sa iyo?”
Matthew 26:65–68
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy