Ang Kapistahan ng mga Trumpeta, ang unang araw ng ikapitong buwan
sa sagradong kalendaryo, at ang sampung araw na sanlinggong panalangin,
na ipinagdiriwang ng Church of God, ay ang oras para aminin at
pagsisihan sa harap ng Diyos ang lahat ng kasalanang nagawa natin
sa nakaraang taon. Kaya dapat na maghanda ang bayan ng Diyos para sa
Araw ng Pagtubos sa lubos na pagsisisi sa pamamagitan ng pananalangin.
Pag tumigil tayo sa pananalangin, na siyang paghinga ng ating
mga kaluluwa, labis na nagdurusa ang ating mga kaluluwa.
Si Jesus, na dumating 2,000 taong nakakalipas, at si Cristo Ahnsahnghong
at ang Diyos Ina, na dumating sa Panahon ng Espiritu Santo,
ay nagturo sa atin tungkol sa kapangyarihan ng panalangin sa pagsasabing,
“Humingi, humanap, at tumuktok,” at nagbigay ng halimbawa ng paglakad
sa landas ng ebanghelyo nang may panalangin.
“Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo,
tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi
ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok
ay pinagbubuksan … gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang
magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?”
Matthew 7:7–11
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy