Hindi tayo dapat na maging tulad ni Haring Saul na sinunod
ang salita ng Diyos nang di-ganap ayon sa ninanais niya. Sa halip,
dapat nating ipagdiwang ang Paskuwa gaya ni Haring Hezekiah,
pinapanumbalik sa Diyos ang ating mga alibughang pusong tumungo
sa mundo sa pamamagitan ng mga ikasampung bahagi at mga handog
gaya ng nasusulat sa aklat ng Malachi. Ito ay ang “pagsisisi.”
Ang Araw ng Pagtubos ay ang araw kung kailan ang lahat ng
kasalanang nagawa natin sa langit at ang mga kasalanang nagawa
sa lupa nang nalalaman at di-nalalaman ay ibinibigay kay Satanas,
na siyang sanhi ng lahat ng kasalanan. Ipinaalam sa atin
ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina na maisasagawa
ang ganap na pagsisisi sa pamamagitan ng mga kapistahan
ng bagong tipan, na ebanghelyo ng kaharian.
“Manumbalik kayo sa akin, at ako’y manunumbalik sa inyo,
sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Ngunit inyong sinasabi,
‘Paano kami manunumbalik?’ Nanakawan ba ng tao ang Diyos?
… Sa mga ikasampung bahagi at sa mga handog.”
Malachi 3:7–8
Kaya’t kanilang ipinag-utos na gumawa ng pahayag sa buong Israel
… na ang bayan ay dapat dumating at ipangilin ang paskuwa sa
PANGINOONG Diyos ng Israel, sa Jerusalem … manumbalik kayo
sa PANGINOON, sa Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel …
2 Chronicles 30:5–6
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy