Ang unang tapyas ng bato ng Sampung Utos ay nabasag
dahil sumamba ang mga Israelita sa diyos-diyosang gintong guya.
Gayunman, ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos sa
ikalawang pagkakataon sa ikasampung araw ng ikapitong buwan
sa mga taong nagsisi. Tinalaga ng Diyos ang araw na ito bilang
Araw ng Pagtubos na naglalaman ng pangako na kapatawaran ng
mga kasalanan, at tinalaga ang unang araw ng ikapitong buwan
bilang Kapistahan ng mga Trumpeta.
Sinabi ni Apostol John na ang lahat ng panalangin ay nagiging
usok ng insenso na umaakyat patungo sa harapan ng Diyos.
Dapat nating maunawaan na ang Espiritu Santong si Ahnsahnghong
at ang Diyos Ina ay namamagitan para sa sangkatauhan na mahina,
naghahangad ng mga walang kabuluhang bagay, at nabibigong
makita ang mga walang hanggang pagpapala sa langit.
Dapat nating ipagdiwang ang mga kapistahan ng Diyos nang
may mga pusong nagsisisi, nagpapasalamat sa Kanilang biyaya.
Subalit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita,
hinihintay natin itong may pagtitiis. At gayundin naman,
ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan;
sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat;
ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan na
may mga daing na hindi maipahayag
Romans 8:25–26
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy