Ang anghel na si Lucifer at ang hari ng Tiro, na nasa maluwalhating posisyon sa langit, ay ipinagkanulo ang Diyos dahil sa kanilang pagmamataas, ninanais na itaas ang kanilang mga sarili nang higit sa Diyos. Gaya nito, ang buong sangkatauhan ay nagkasala sa langit at bumaba sa lupang ito at nakatakda sa kaparusahan sa impiyerno. Gayunman, ang Diyos mismo ay naging alay para sa handog pangkasalanan sa bawat pagsamba at nagbigay sa atin ng kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa loob ng mga 1,500 taon mula sa panahon ni Moises hanggang sa panahon ni Jesus, pinahintulutan tayo ng Diyos na tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng sakripisyo ng mga lalaki at babaeng hayop sa palagiang handog na sinusunog, sa araw ng Sabbath, at sa bawat kapistahan. Sa pamamagitan ng lumang tipan, ipinapaalam sa atin ng Diyos ang sakripisyo at pag-ibig ng Diyos Ina na Siyang realidad ng bagong tipan at ipinapakita sa atin ang sakripisyo ni Cristo Ahnsahnghong na nagbuhos ng Kanyang dugo sa krus bilang patunay ng Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan.
“ ‘At titipunin ng isang taong malinis ang mga abo ng dumalagang baka at ilalagay sa labas ng kampo sa isang dakong malinis; at iingatan para sa kapulungan ng mga anak ni Israel bilang tubig para sa karumihan para sa pag-aalis ng kasalanan.’ ”
Numbers 19:9
“ ‘Kung ang isang tao ay nagkasala nang hindi sinasadya, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae na isang taong gulang na handog pangkasalanan.’ ”
Numbers 15:27
Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Nasaan ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kanya? O kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay ipinagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsuway ay inilayo ang ina ninyo.”
Isaiah 50:1
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy