Hinayaan ng Diyos ang mga Israelita na hipan ang trumpeta ng pagsisisi sa Kapistahan ng mga Trumpeta, ang unang araw ng ikapitong buwan sa sagradong kalendaryo, upang makapaghanda para sa Araw ng Pagtubos, ang ikasampung araw ng ikapitong buwan sa sagradong kalendaryo, kung kailan natanggap ni Moises ang Sampung Utos sa ikalawang pagkakataon.
Sa espirituwal, ito ay ang kapistahan na nanghihikayat sa buong sangkatauhan — na nakagawa ng mga di-mapapatawad na kasalanan sa langit at na pinalayas tungo sa lupang ito — na magsisi, nagsasabing, “Magsisi sa pamamagitan ng bagong tipan at bumalik sa Diyos.”
Ngayon na napakalapit na ng kaharian ng langit, ang mga pinangakuan ng kaharian ng langit sa pamamagitan ng ganap na pagsisisi ay dapat na hipan ang trumpeta tungkol sa sakripisyo at pag-ibig ng Diyos na nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng bagong tipan upang ang buong mundo ay makapagsisi at bumalik kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina.
“Magsalita ka sa mga anak ni Israel: Sa unang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng unang araw ng ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta.”
Leviticus 23:24
na sinasabi, “Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo’y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo.”
Mark 1:15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy