Ang mga alagad na nakasaksi sa pag-akyat ni Jesus sa langit mula sa Bundok ng mga Olibo ay nakaunawa na nang walang Espiritu Santo, ang ebanghelyo ay hindi maipapangaral sa buong mundo. Kaya maalab silang nanalangin sa loob ng sampung araw mula sa Araw ng Pagpalangit hanggang sa Araw ng Pentecostes, humihiling para sa Espiritu Santo ng unang ulan.
Nang tinalo ni Elias ang 850 bulaang propeta sa Bundok ng Carmel, nauna ang panalangin sa tagumpay. Si Jesus, si Cristo Ahnsahnghong, at ang Diyos Ina ― na mga pumarito sa lupa para sa kaligtasan ng sangkatauhan ― ay nagpakita ng halimbawa sa pagsisimula ng Kanilang gawain ng ebanghelyo sa mga panalangin nang madaling araw araw-araw. Kaya ang mga miyembro din ng Church of God ay nagsisimula ng kanilang araw, kumukuha ng espirituwal na lakas sa pamamagitan ng panalangin.
“Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo’y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan.”
Matthew 7:7–8
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng bagay na iyong idalangin at hingin, paniwalaan ninyong tinanggap na ninyo at iyon ay mapapasainyo.”
Mark 11:24
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy