Ang Church of God ay nangingilin ng mga kapistahan gaya ng Sabbath at Paskuwa, na mga utos ng Diyos. Kung hindi natin susundin ang mga utos ng Diyos, hindi tayo tatanggap ng mabuting pagkaunawa at maglalaho ang ating karunungan at pagkaunawa, na aakay sa ating gumawa ng masasamang gawa sa ilalim ng paniniwala na walang Diyos.
Pinatototohanan ng Biblia na ang mga naghahanap kay Jehovah sa Panahon ng Ama, kay Jesu-Cristo sa Panahon ng Anak, at kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina — ang Espiritu at ang Babaing ikakasal — sa Panahon ng Espiritu Santo ay ang mga may pagkaunawa bilang tunay na bayan ng Diyos at ang maliligtas.
“Walang Diyos,” sinasabi ng pusong hangal. Sila’y masasama at gumagawa ng kasamaang karumaldumal, wala isa mang gumagawa ng mabuti. Ang Diyos ay tumutunghay mula sa langit sa mga anak ng mga tao, upang tingnan kung may sinumang matalino, na naghahanap sa Diyos. Silang lahat ay tumalikod; sila’y pawang masasama, walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Psalm 53:1–3
Ang pagkatakot sa PANGINOON ay pasimula ng karunungan; ang lahat na nagsisigawa nito ay may mabuting kaunawaan. Ang kanyang kapurihan ay mananatili magpakailanman!
Psalm 111:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy