Nagtakda ang Diyos ng araw ng pagsamba para sa mga taong naniniwala sa Kanya.
“Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal” Ex 20:8
Ang araw ng Sabbath ay ang tanda sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang bayan. Ito ay ang araw kung kailan pinababanal ng Diyos ang Kanyang bayan (Eze 20:12). Kaya dapat na ipangilin ng bayan ng Diyos ang araw ng Sabbath na tinakda ng Diyos bilang araw ng pagsamba.
Nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa sa loob ng anim na araw, at nagpahinga Siya nang ikapitong araw — Sabbath (Ge 2:3). Ang ikapitong araw Sabbath ay ang araw ng pag-alaala sa malikhaing kapangyarihan ng Diyos.
Kung gayon, anong araw sa sanlinggo ang ikapitong araw?
Linggo: unang araw sa isang linggo. Sabado: ikapitóng araw ng linggo at nása pagitan ng Biyernes at Linggo. Nirirekord ng mga diksiyonaryo na ang ikapitong araw ay Sabado. Pag tiningnan natin ang kalendaryo, ang ikapitong araw Sabbath ay Sabado.
Sinasabi ng Biblia na muling nabuhay si Jesus nang unang araw ng linggo (Mk 16:9). Para sa parehong bersikulo, sinasabi ng Magandang Balita Biblia na muling nabuhay si Jesus nang Linggo (Mk 16:9). Kung gayon, anong araw sa sanlinggo ang Sabbath? Ang Sabbath ay Sabado.
“Ipinapatupad ng mga kasulatan ang pangingilin ng Sabado, ang araw na hindi natin kailanman pinababanal.”
“Ang ibig sabihin ng salitang Sabbath ay pahinga, at ito ay Sabado, ang ikapitong araw ng sanlinggo.”
Si Jesus din ay sumamba sa araw ng Sabbath (Sabado).
“Siya’y [Si Jesus ay] pumasok sa sinagoga nang araw ng Sabbath [Sabado], tulad ng kanyang nakaugalian” Lk 4:16
Matapos umakyat ni Jesus sa langit, sumamba rin si Apostol Paul sa araw ng Sabbath (Sabado).
“At si Pablo ay pumasok ayon sa kanyang kaugalian, at sa loob ng tatlong Sabbath ay nangatuwiran sa kanila mula sa mga kasulatan” Acts 17:2
Gaya ng ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga alagad ang araw ng Sabbath (Sabado), dapat na ipangilin ng bayan ng Diyos ang araw ng Sabbath (Sabado) na tinakda ng Diyos. Ipinapangilin ng World Mission Society Church of God ang ikapitong araw Sabbath na tinakda ng Diyos.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy