Pag sinusunod natin ang mga kautusan ng Diyos, ang masaganang pagpapala ay laging nakalaan para sa atin. Dahil dito, sa mga kapistahan na tinatag ng Diyos sa Panahon ng Ama — gaya ng Sabbath at Paskuwa — laging nakapaloob ang utos na, “Wag niyong kalimutan kundi alalahanin at sundin ang mga ito magpakailanman.”
Sinasabi ng Biblia na ang mga sumusunod sa kautusan ng Diyos sa lahat ng panahon ay ang mga taong matuwid na pagpapalain, at sa kabilang banda, ang mga lumalabag sa kautusan ng Diyos ay parurusahan dahil sa paghihimagsik. Ang dahilan kung bakit nabihag ang mga Israelita sa Babilonia ay resulta ng hindi nila pagsunod sa kautusan ng Diyos.
“Ni hindi namin sinunod ang tinig ng PANGINOON naming Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga kautusan na kanyang inilagay sa harapan namin sa pamamagitan ng kanyang lingkod na mga propeta. Tunay na ang buong Israel ay sumuway sa iyong kautusan at tumalikod, na hindi nakinig sa iyong tinig. At ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos ay ibinuhos sa amin, sapagkat kami ay nagkasala laban sa kanya.” Daniel 9:10–11
“na lumalakad ng ayon sa aking mga tuntunin, at maingat sa pagsunod sa aking mga batas; siya’y matuwid, siya’y tiyak na mabubuhay, sabi ng Panginoong DIYOS.” Ezekiel 18:9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy