2,000 taong nakalilipas, ang Diyos na Tagapaglikha ay pumarito sa lupa sa pangalang Jesus, at nagtatag ng bagong tipan. Sa pamamagitan ng bagong tipan, ang mga anak ng Diyos na nagdurusa sa kasalanan at kamatayan ay makakatanggap ng kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan. Sa loob ng tatlong taon, si Jesus ay nagbigay ng halimbawa na pagsunod sa bagong tipan sa Kanyang mga alagad.
“Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin din ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.” Jn 13:15
Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, hiniling ni Niya sa Kanyang mga alagad na turuan ang lahat ng tao na sundin ang bagong tipan para maligtas sila. (Mt 28:19)
Bilang pagsunod sa mga salita ni Jesus, ipinangaral ng Kanyang mga alagad ang bagong tipan. Ang bagong tipan na nagpapatawad ng mga kasalanan, ay naglalaman ng isang regulasyon para sa pagsamba. Kung ang lalaki ay may takip ang kanyang ulo habang pagsamba, ay winawalang-puri ang Diyos; kung ang babae ay walang talukbong, ay winawalang-puri ang kanyang ulo. (1 Cor 11)
Sa Simbahan na sinusunod ang bagong tipan, ang babae ay nagtatalukbong ng kanyang ulo gamit ang belo habang pagsamba, at hindi naman ito ginagawa ng isang lalaki. Gayunman, matapos umakyat ni Jesus sa langit, iginiit ng ilang babae na hindi na nila kailangang magsuot ng mga belo sa pagsamba.
Dahil dito, hinimok sila ni Apostol Pablo na magsuot ng mga belo, ipinapaliwanag na ang mahabang buhok ay maganda para sa isang babae ayon sa kalikasan ng tao.
Hatulan ninyo sa inyong sarili: angkop ba sa isang babae na manalangin sa Diyos nang walang talukbong? Hindi ba’t ang kalikasan mismo ang nagtuturo sa inyo na kapag ang isang lalaki ay may mahabang buhok, ito ay kahihiyan sa kanya? Subalit kung ang babae ay may mahabang buhok, ito ay kanyang karangalan? Sapagkat ang kanyang buhok ay ibinigay sa kanya na pantakip. Subalit kung ang sinuman ay nais maging palatutol, wala kaming gayong ugali, ni ang mga iglesya ng Diyos. 1 Corinthians 11:13–16
Malinaw na sinasabi ng Biblia na ang babae ay dapat na magtalukbong
ng kanyang ulo gamit ang belo habang pagsamba.
Ang pagsusuot ng belo ng isang babae habang sumasamba ay isa sa mga regulasyon ng bagong tipan na tinuro ni Jesus at ipinangaral ni Apostol Pablo.
Kalooban ng Diyos na sundin natin ang regulasyon ng pagsusuot ng belo.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy