Saan tayo nanggaling?
Saan tayo pupunta pagkatapos nating mamatay?
Kahit na maraming mga pilosopo, mga teologo, at mga siyentipiko ang naghanap ng sagot sa kahulugan ng buhay sa loob ng maraming siglo, hindi man lang sila makapagmungkahi ng teorya nang hindi sinasalungat ang kanilang mga sarili.
Nang hindi nalalaman ang kahulugan ng buhay, ang mga tao ay gumagala-gala, natatali sa kanilang mga trabaho at nahaharap sa kamatayan.
Gaya ng kung paanong nalalagas ang mga dahon, tinatangay ng hangin, ang buhay natin ay wala kundi walang laman na panaginip na gaya ng mga dahong nalaglag.
Gayunman, may mahalagang bagay na nakatago sa ating buhay.
Tinuturo ng Biblia na ang kamatayan ay nangangahulugang “pagbalik” sa langit. (Ecc 12:7)
Ang “bumalik” ay nangangahulugang muling pagpunta sa pinanggalingan.
Bago nilikha ng Diyos ang lupa, ikaw ay nasa langit.
“Nasaan ka, Job, nang nilikha Ko ang lupa?
Noon, ikaw ay nasa langit, at marami ang bilang ng iyong mga araw!” Job 38:1–21
Tinuro ng Diyos kay Job na bago siya isinilang sa lupa, nasa langit na siya.
Tulad ni Job, nasa langit din tayo bago tayo isinilang sa lupa.
Habang nasa lupa tayo,
ang ating katawan ay “tolda” kung saan sandaling nananahan ang ating kaluluwa. (2 Cor 5:1)
Kaya naman, ang mga apostol na tinuruan ni Jesus ay nagtawag sa sangkatauhan na “mga dayuhan” at “mga manlalakbay.”
Alam nila na ang ating bansang-pinagmulan ay ang “langit.” (Heb 11:13)
Sa langit, kung saan walang limitasyon sa oras, espasyo, at bilis, tayo ay nagkasala.
Ang sangkatauhan ay tinapon pababa sa lupa, nawawala ang mga alaala nito ng langit.
Dumadaing sa kirot ng mga kasalanan, ang mga tao ay nanginginig sa takot sa lahat ng uri ng mga sakuna.
Hindi ka ba nangungulila sa ating maganda at maluwalhating tahanan?
Wala na bang paraan upang makabalik sa ating maluwalhating makalangit na tahanan?
Makakabalik tayo tanging pag nahanap natin ang sagot.
2,000 taong nakalilipas, dumating si Jesus at nagturo sa atin kung paano natin matatanggap ang kapatawaran ng mga kasalanang nagawa natin sa langit, at binuksan Niya ang daang tungo sa kaharian ng langit. (Mt 26:26)
Sa panahong ito, ibinalik ng Espiritu at ng Babaing ikakasal ang nawalang Paskuwa, at inaakay Nila tayo tungo sa ating walang hanggang tahanan, ang langit.
Umaasa ako na ipagdiriwang mo ang ipinanumbalik na Paskuwa at babalik ka sa ating makalangit na tahanan kung saan ka nangungulila.
Inaanyayahan ka namin sa ating walang hanggang tahanan, ang langit.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy