Sina Abraham, Noe, Moises, at Daniel ay pinagpala dahil sinunod nila ang salita ng Diyos, ano pa mang mga imposibleng kalagayan ang kanilang hinarap.
Ipinapakita ng ganitong kasaysayan ng Biblia na ano pa man ang kalagayan, dapat tayong magkaroon ng matatag na pananampalataya sa pag-iral ng Diyos.
Maaaring naging sapat na ang sampung araw para makarating sa Canaan ang mga Israelita.
Gayunman, pumasok sila roon pagkatapos ng 40 taon at nawasak sa disyerto matapos magbulung-bulungan at magreklamo dahil tumuon lang sila sa nangyayari sa kanilang harapan.
Ito ay dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya.
Gayundin, ngayon, ang pinakamahalagang bagay sa disyerto ng pananampalataya habang tumutungo tayo sa makalangit na Canaan ay ang pagkakaroon ng ganap na pananampalataya sa mga salita ng Diyos Ahnsahnghong at Diyos Ina.
Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita. Tunay na sa pamamagitan nito ang mga tao noong una ay tumanggap ng patotoo. Sa pananampalataya ay nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa't ang mga bagay na nakikita ay nagmula sa mga bagay na hindi nakikita.
Hebrews 11:1–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy