Ang Espiritu Santo ng unang ulan ay ibinigay sa mga tumanggap sa Diyos na
dumating sa laman sa Panahon ng Anak. Gayundin, ang Espiritu Santo ng huling ulan
ay ibinibigay sa mga tamang tumanggap sa Diyos Ahnsahnghong at sa Diyos Ina —
na dumating sa laman sa Panahon ng Espiritu Santo — at nagmana ng
laman at dugo ng Diyos sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan.
Nang nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, tinukoy Niya ang sarili
bilang “Natin.” Tinuruan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaugnayan
sa pagitan ng anino at ng realidad nito na may pamilya tayo sa langit gaya ng
may pamilya tayo sa lupang ito. Sa mga anak na nakaunawa sa pagliligtas ng
Diyos Ama at Diyos Ina, ibinigay rin ng Diyos ang pinagpalang misyon
na iligtas ang mundo gamit ang Espiritu Santo ng huling ulan na ipinagkaloob Niya sa kanila.
Sinabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan,
ayon sa ating wangis …” Kaya’t nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang
sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila’y kanyang
nilalang na lalaki at babae.
Genesis 1:26–27
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy