Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa Lumang Tipan ay gumugunita sa mga paghihirap na naranasan ng mga Israelita 3,500 taong nakalilipas; matapos nilang mag-Paskuwa, lumabas sila mula sa Ehipto sa sumunod na araw at dumaan sa mga paghihirap hanggang sa makatawid sila sa Dagat na Pula.
Ito ay nagsilbing anino ng mga pasakit at sakripisyo na pinagdaraanan ni Jesus; matapos Niyang ipagdiwang ang Paskuwa, Siya ay nagdusa at ipinako sa krus kinabukasan.
Ang pagkaila at pagtataksil ng mga alagad na nag-angking, “Susunod kami sa Iyo hanggang sa kamatayan,” ang pangungutya at panlilibak ng napakaraming tao, at ang pagkakapako sa krus sa huli — ito ang pagdurusang pinagdaanan ni Cristo Ahnsahnghong, ang Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo, 2,000 taong nakalilipas.
Ngayon ang panahon kung kailan kailangan natin ng pananampalataya para maunawaan ang Kanyang pag-ibig at pasanin ang ating sariling krus.
Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, at pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Sapagkat ang sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakatagpo nito.”
Matthew 16:24–25
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy