Ang 120,000 katao ng Nineveh, na hindi nakakatukoy ng kanan
mula sa kaliwa, ay nakinig kay Jonah nang nangaral siya sa kanila
bilang pagsunod sa utos ng Diyos, at nagsisi silang lahat.
Sa panahon ding ito, dapat nating ipangaral ang Paskuwa
ng bagong tipan — ang katotohanan ng kaligtasan at ng kapatawaran
ng mga kasalanan — sa lahat ng taong hindi nakakatukoy sa mga
kautusan ng Diyos.
Gaya ng ang mga bahay na naglagay ng dugo ng kordero ng Paskuwa
sa mga pinto nila ay naligtas mula sa salot noong panahon ni Moises,
ang mga nakikisalo sa laman at dugo ni Jesu-Cristo — na dumating bilang
katotohanan ng kordero ng Paskuwa — sa pamamagitan ng tinapay at
alak ng Paskuwa ay makakatanggap ng tatak ng kaligtasan sa panahon ng Bagong Tipan.
Pinatotohanan ni Cristo Ahnsahnghong ang Paskuwa ng bagong tipan.
Siya ang Diyos na muling dumating para patawarin ang mga
kasalanan ng sangkatauhan sa mga huling araw, alinsunod
sa mga propesiya ng Biblia.
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng PANGINOON, na ako’y gagawa
ng panibagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda … patatawarin ko
ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa,” sabi ng PANGINOON. Jeremiah 31:31–34
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy