Ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay nagdudulot ng kamatayan, at ang punungkahoy ng buhay ay nagdudulot ng buhay na walang hanggan.
Sa Halamanan ng Eden, pinalayas sina Adan at Eva at namatay dahil kumain sila mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.
Ang kasaysayang ito ay nagpapakita na ang sangkatauhan ay nakatakdang mamatay dahil nagkasala sila sa langit.
2,000 taong nakalilipas, pumalupa si Jesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
At sa Panahon ng Espiritu Santo, si Cristo Ahnsahnghong ay pumarito sa lupa at nagkaloob sa atin ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan, na siyang realidad ng punungkahoy ng buhay.
Bukod dito, si Cristo Ahnsahnghong, na nagdala ng punungkahoy ng buhay, ay ang Tagapayo ng Zion na prinopesiya sa aklat ng Micah.
Ipinaalam Niya sa atin na ang huling kaligtasan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa Diyos Ina.
Sinabi ng PANGINOONG Diyos, “Tingnan ninyo, ang tao’y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at ngayon, baka iunat ang kanyang kamay at pumitas din ng bunga ng punungkahoy ng buhay, at kumain, at mabuhay magpakailanman.”
Genesis 3:22
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan”
John 6:53–54
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy