Para sa isang nawawalang tupa, ang isang pastol ay mas mahalaga kaysa sa isang hari, at sa disyerto, ang tubig ay mas mahalaga kaysa sa ginto.
Ang halaga ng mga utos ng Diyos ay mahahayag pag tumayo ang sangkatauhan sa harapan ng hukuman ng Diyos.
Ito ay dahil ang pagpunta sa langit o sa impiyerno ay tinutukoy batay sa kung nasunod ba ng isang tao ang mga utos ng Diyos o hindi.
Dahil ang kaharian ng langit ay isang lugar kung saan hindi makapasok ang mga makasalanan, kailangang nilang tumanggap ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Sa Paskuwa ng bagong tipan, ipinangako ng Diyos ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo.
Kaya gaya ni David, ang sangkatauhan ay dapat na magkaroon ng pananampalataya sa pangako ng Diyos at ibigin ang Kanyang mga utos.
Kaya’t aking iniibig ang mga utos mo nang higit kaysa ginto, higit kaysa dalisay na ginto
Psalm 119:127
“ ‘Sinabi ng Guro, Malapit na ang oras ko; sa iyong bahay ko gaganapin ang paskuwa kasama ng aking mga alagad.’ ” At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Jesus, at inihanda nila ang paskuwa … “Uminom kayong lahat nito, sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Matthew 26:18–28
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy