Ang Diyos, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay nagkaloob sa atin ng mga pagpapala na kapatawaran ng mga kasalanan at walang hanggang kaharian ng langit sa pamamagitan ng Paskuwa, at makapangyarihan Niyang ipinahayag na ang mga nagdiriwang ng Paskuwa ay kikilalaning bayan ng Diyos na tatanggap ng pagkamamamayan ng langit at magkakamit ng kaligtasan.
Si Jesus na dumating 2,000 taong nakalilipas at pati si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina sa panahong ito ay patuloy na nagturo sa atin na ang pagtawag sa Diyos gamit lang ang ating mga labi nang hindi nagdiriwang ng Paskuwa ay katumbas sa isang malabong pananampalataya.
Gayundin, ipinagkaloob ng Diyos ang Ikalawang Paskuwa para sa mga hindi nakapangilin nito sa tinakdang panahon, dahil ang Paskuwa ay isang napakahalagang kapistahan na tumutukoy sa totoong bayan ng Diyos.
“Ipangilin ng mga anak ni Israel ang paskuwa sa takdang panahon nito … Mayroon ngang mga lalaki na marurumi dahil sa paghawak sa bangkay ng isang tao, na anupa’t hindi nila naipangilin ang paskuwa nang araw na iyon … Nagsalita ang PANGINOON kay Moises, na sinasabi, “… ay kanyang ipapangilin din ang paskuwa sa PANGINOON. Sa ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, sa paglubog ng araw ay kanilang ipapangilin … Subalit ang lalaking … hindi mangingilin ng paskuwa ay ititiwalag sa kanyang bayan”
Numbers 9:2–13
“Kaya’t makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.
“Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”
Matthew 7:20–21
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy