Ang mga nagturing sa salita ng Diyos bilang isang biro at hindi tumakas ay nawasak nang hinatulan ng Diyos ang lupa sa pamamagitan ng baha noong mga araw ni Noe at ng apoy noong mga araw ng Sodoma at Gomorra.
Gayundin, ang mga hindi naniwala sa salita ni Jesus na, “Pag nakita ninyong pinaliligiran ng mga hukbo ang Jerusalem, magsitakas kayo agad,” kundi naniwalang magtatagumpay sila ay nawasak lahat sa ikalawang paglusob ng Romanong hukbo.
Tinuturing ng mundong ito ang huling paghuhukom ng Diyos na isasagawa sa pamamagitan ng apoy bilang isang biro.
Gayunman, hinihintay ng Diyos ang sangkatauhan dahil ninanais Niya na maligtas ang lahat para wala ni isang tao ang mawasak.
Kaya ang mga miyembro ng Church of God ay masiglang nagpapatotoo ng balita ng kaligtasan sa mundo alinsunod sa kalooban ng Diyos.
na sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, na manlilibak at lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa, at magsasabi, “Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating?” … sapagkat ang kalangitan na nagliliyab ay matutupok, at ang mga sangkap ay matutunaw sa init! Ngunit, ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, kung saan ang katuwiran ay naninirahan.
2 Peter 3:3–13
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy