Tinuturing ng ilang tao ang Biblia bilang aklat lang ng kasaysayan ng Israel o ng mitolohiya ng Israel. Gayunman, ang Biblia ay ang pinakalumang aklat sa mundo, sinusulat sa iba’t ibang mga panahon ng dose-dosenang tao na may iba’t ibang mga hanapbuhay at edad sa loob ng mahigit 1,600 taon. Ang mas nakagugulat, ang lahat ng isinulat sa loob ng 1,600 taon ay konektado bilang propesiya at katuparan.
Kabilang sa mga rekord ng Biblia, pag-aralan natin ang propesiya tungkol kay Haring Ciro at ang katuparan nito. Si Haring Ciro ang nagtatag ng Imperyo ng Persia at ang mananakop sa Silangan. Tingnan natin ang kanyang dakilang tagumpay na nakatala sa Biblia.
“Ganito ang sabi ni Ciro na hari ng Persia: ‘Ibinigay sa akin ng PANGINOON, na Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian sa lupa, at inatasan niya ako na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem na nasa Juda.’ ” Ezra 1:2–3
Bakit pinuri ni Ciro, na hari ng Persia, ang Diyos ng Israel at pinalaya ang mga Israelita? Nakita ni Haring Ciro ang kanyang pangalan na nakasulat sa aklat ng Isaiah, na isinulat mga 170 taon bago niya pinalaya ang mga Israelita.
“Ganito ang sabi ng PANGINOON sa kanyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang pasukuin ang mga bansa sa harap niya … ‘At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanan ng kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong malaman na ako ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel na tumatawag sa iyo sa iyong pangalan.’ ” Isa 45:1–3
Naunawaan ni Haring Ciro na tinulungan siya ng Diyos na sakupin ang Babilonia, at pinalaya niya ang mga Israelita gaya ng prinopesiya sa Biblia. Bilang resulta, si Haring Ciro ay pinupuri pa rin ng mga tao bilang isang sinaunang monarko na nagpalaya sa mga alipin at kumilala sa karapatan sa kalayaan sa relihiyon. Inihula rin ng Biblia ang kapanganakan ni Jesus bilang bata pa mga 700 taon bago Siya pumalupa.
“ ‘Narito, isang birhen ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at kanyang tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel.’ ” Isa 7:14
Alinsunod sa propesiyang ito, isinilang ang Diyos bilang si Jesus sa pamamagitan ng katawan ni Birheng Maria (Mt 1:18–23). Higit pa rito, detalyadong prinopesiya ng Biblia kung paano magdurusa si Jesus.
“Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao … Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” Isa 53:3–5
Alinsunod sa propesiyang ito, si Jesus ay tinusok ng sibat at hinagupit (Mt 27:26–35; Jn 19:34). Kahit na hindi naintindihan ng mga tao ang mga propesiya ng Biblia noong isinulat ang mga ito, ang lahat ng ito ay natupad.
Kaya binabalaan tayo ng Biblia na wag hamakin ang mga pagpapahayag ng propesiya (1 Th 5:20). Ito ay dahil hindi tayo maliligtas kung hahamakin natin ang mga propesiya ng Biblia. Gaya ng kung paano maraming propesiya ang natupad nang eksaktong tulad ng nakasulat, ang mga natitirang propesiya ay magkakatotoo lahat nang walang pagkabigo.
“ ‘Magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang dako ay magkakaroon ng taggutom at mga salot, at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.’ ” Lk 21:11
Sinasabi sa atin ng Biblia na dapat tayong magsitakas tungo sa Zion upang maligtas pag dumating ang huling malaking sakuna at pagkawasak.
“ ‘ “Magtipun-tipon kayo …” Magtaas kayo ng watawat paharap sa Zion; kayo’y magsitakas upang maligtas, huwag kayong magsitigil; sapagkat ako’y nagdadala ng kasamaan mula sa hilaga, at ng malaking pagkawasak.’ ” Jer 4:5–6
Ang Zion, kung saan ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng Diyos, ay isang lugar ng kanlungan at kaligtasan na ipinangako sa atin ng Diyos (Isa 33:20). Ang World Mission Society Church of God ay ang tanging Simbahan sa mundo na nagdiriwang ng mga kapistahan ng Diyos alinsunod sa mga katuruan ng Biblia; ito ay ang Zion.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy