Sa pamamagitan ng talinghagang ibinigay sa atin ni Jesus, maiintindihan natin na kinakatawan ni Abraham ang Diyos Ama, at na si Sarah — na gumaganap sa isang mahalagang papel sa pagtukoy sa tagapagmana ng pamilya ni Abraham — ay ang ating Ina na Siyang malaya na kinakatawan bilang ang bagong tipan.
Ang mga hindi talaga naniniwala sa Diyos gaya ni Eliezer, na ang mga magulang ay mga alipin, o ang mga naniniwala tanging sa Diyos Ama gaya ni Ismael ay hindi maaaring maging mga tagapagmana ng Diyos.
Tulad ni Isaac, ang mga tumatanggap sa Diyos Ama (Cristo Ahnsahnghong) at Diyos Ina, na kapwa malaya, at tinatatakan bilang “Aking mga anak” sa pamamagitan ng laman at dugo ng Diyos ay ang maaaring maging mga tagapagmana ng kaharian ng langit.
“Namatay din naman ang mayaman at inilibing. At mula sa Hades na kanyang pinagdurusahan ay tumingala siya at nakita sa malayo si Abraham at si Lazaro sa kanyang kandungan. Siya’y sumigaw at sinabi, ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin’ ”
Luke 16:22–24
Subalit ang mula sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman, at ang mula sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako. Ang mga bagay na ito ay isang paghahambing … mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
Galatians 4:23–31
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy