Gaya ng may malaking layunin ang Diyos na pagpapalain ang mga Israelita matapos ang 40 taon nila sa disyerto, ngayon, maaaring maglagay ang Diyos ng mga paghihirap at ng mga balakid sa ating landas ng pananampalataya, pero ang Kanyang pinakahuling layunin ay gawing sakdal ang ating mga kaluluwa at ipagkaloob sa atin ang mga pagpapala ng kaharian ng langit.
Ang lupa ay isang espirituwal na bilangguan kung saan ang mga makalangit na anghel na nakagawa ng malulubhang kasalanan ay ipinatapon sa lupa upang manirahan. Kaya sa lupang ito, mas madalas ang mga sandali ng kirot at pagdurusa kaysa sa mga sandali ng kapayapaan at kaligayahan. Para burahin ang mga kasalanang ito ng sangkatauhan, ibinuhos ng Diyos ang Kanyang dugo sa krus at binuksan ang daan para makabalik tayo sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan, ang landas patungo sa kapatawaran ng mga kasalanan.
“na siyang nagpakain sa iyo ng manna sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga ninuno; upang kanyang papagkumbabain at subukin ka, at gawan ka ng mabuti sa bandang huli.” Deuteronomy 8:16
“Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala.” Luke 19:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy