Ang Araw ng mga Unang Bunga na ipinagdiwang sa panahon ni Moises
sa Lumang Tipan ay isang anino, at ang Araw ng Muling Pagkabuhay
ng Bagong Tipan ay ang katotohanan.
Muling nabuhay si Jesu-Cristo sa pagbubukang-liwayway
sa araw pagkatapos ng araw ng Sabbath, sa Linggo,
bilang unang bunga sa mga nakatulog para tuparin ang
propesiya ng Pista ng mga Unang Bunga.
Samakatuwid, kalooban ng Diyos na ipangilin natin ang araw ng Sabbath (Sabado) bilang isang lingguhang pista at ang Araw ng Muling Pagkabuhay bilang isang taunang pista.
Nilagay ni Satanas ang sangkatauhan sa ilalim ng
kadena ng kamatayan, pinapadaan sila sa matinding
paghihirap ng kamatayan. Gayunman, pumarito si
Jesu-Cristo sa lupa, winawasak ang kapangyarihan ng
kamatayan, at inakay Niya ang mga tao sa katotohanang
patungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan
ng Araw ng Muling Pagkabuhay.
Sa mga araw ngayon, ang mga miyembro ng Church of God
ay hindi sumusunod sa paganong kaugalian ng pagsasalo-salo
sa mga itlog, kundi nagpuputol-putol ng tinapay na nagbubukas
sa ating mga espirituwal na mata, sinusunod ang halimbawa
ni Jesu-Cristo.
“Subalit ngayon, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay,
na siya ang unang bunga ng mga namatay … kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” 1 Corinthians 15:20–22
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy