Ang Araw ng mga Unang Bunga sa Lumang Tipan ay ang Araw ng Muling Pagkabuhay sa Bagong Tipan. Propesiya ito na matutupad nang Linggo.
Ito ay sa unang araw ng sanlinggo na umalis ang mga Israelita sa Ehipto at nakarating sa kabilang panig ng Dagat na Pula. Tinakda ng Diyos ang araw na ito bilang ang Araw ng mga Unang Bunga, at ginawa Niyang maipagdiwang ito ng mga Israelita sa kinabukasan (Linggo) pagkatapos ng Sabbath taon-taon. Muling nabuhay si Jesus sa unang araw ng sanlinggo (Linggo), tinutupad ang propesiya ng Araw ng mga Unang Bunga.
Alinsunod sa propesiya ng Araw ng mga Unang Bunga kung kailan hinandog sa Diyos ang unang bunga ng inani, muling nabuhay si Jesus bilang ang unang bunga ng mga namatay at nagbigay sa buong sangkatauhan ng pag-asa para sa muling pagkabuhay. Naniniwala rito, ipinagdiriwang ng Church of God ang Araw ng Muling Pagkabuhay taon-taon.
At nagsalita ang PANGINOON kay Moises, “… dalhin ninyo sa pari ang unang bunga ng inyong inani. Iwawagayway niya ang bigkis sa harapan ng PANGINOON upang kayo’y tanggapin; sa kinabukasan pagkatapos ng Sabbath, ito ay iwawagayway ng pari.”
Leviticus 23:9–11
Subalit nang unang araw ng sanlinggo sa pagbubukang-liwayway, pumunta sila sa libingan, dala ang mga pabango na kanilang inihanda. At nakita nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. Subalit nang sila’y pumasok ay hindi nila nakita ang bangkay … “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, kundi muling nabuhay”
Luke 24:1–6
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy