Sinanay ng Diyos ang mga Israelita na sundin ang Kanyang mga tuntunin tulad ng Sabbath sa disyerto upang masunod nila ang kautusan ng Diyos sa Canaan.
Gayundin, pinahihintulutan ng Diyos ang mga umaasa sa kaharian ng langit na matuto ng makalangit na wika, na siyang wika ng pag-ibig, pananampalataya, pag-asa, at kaligtasan, sa kanilang pang-araw-araw na buhay bago sila pumasok sa kaharian ng langit.
Ang mga nagsalita ng makalangit na wika ay tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
Sina Josue at Caleb ay pumasok sa Canaan, at ang tatlong kaibigan ni Daniel ay naprotektahan mula sa hurno ng nagniningas na apoy.
Gayundin, ang mga nagsasalita ng makalangit na wika alinsunod sa mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina ay makakapasok sa walang hanggang kaharian ng langit.
Sapagkat tayong lahat ay natitisod sa maraming bagay. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa pananalita, ito ay isang taong sakdal, may kakayahang pigilan ang buong katawan … At ang dila’y isang apoy. Ang dila na kasama ng ating mga sangkap ay isang sanlibutan ng kasamaan. Dinudungisan nito ang buong katawan, at sinusunog ang pag-inog ng kalikasan, at ito mismo ay sinusunog ng impiyerno.
James 3:2–6
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy