Natapos din ni Dakilang Alexander — na sumakop sa sangkapat ng mundo at na labis na pinarangalan ng mga tao — ang kanyang buhay nang walang kabuluhan.
Kahit na makamit ng isang tao ang lahat ng bagay sa mundo, kung hindi niya alam ang tungkol sa walang hanggang mundo, ang kanyang buhay ay walang kabuluhan. Kahit na nakamit siya ang lahat ng materyalistikong halaga — kapangyarihan, kayamanan, at karangalan, hindi siya nakapaghanda para sa walang hanggang mundo at sa huli ay namatay siya!
Ang kayamanan, karangalan, at kapangyarihan ng mundong ito ay hindi nagtatagal kundi walang silbi sa harap ng kamatayan.
Kaya sinabi sa atin ni Cristo Ahnsahnghong na maghanda para sa espirituwal na mundo kung saan may walang hanggang saya.
Ito ay dahil ang ating esensiya ay hindi ang ating laman kundi ang ating kaluluwa (John 6:63).
Ang isang buhay na hindi nalalaman ang tungkol sa walang hanggang mundo ay walang kabuluhan. Ang ating maikling buhay sa lupang ito ay oras para maghanda para sa walang hanggang mundo. Ano ang dapat nating gawin para makapunta sa walang hanggang espirituwal na mundo?
Sa walang hanggang espirituwal na mundo kung saan walang kirot ni kamatayan (Revelation 21:4), hindi makakapasok ang isang nasisirang katawan kundi tanging ang may buhay na walang hanggan (1 Corinthians 15:50).
Kung gayon, paano tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan?
Pag kinain natin ang laman ni Jesus at ininom ang Kanyang dugo, magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan (John 6:54). Ipinangako ni Jesus na ang tinapay at alak ng Paskuwa ay ang Kanyang laman at dugo (Matthew 26:26).
Kaya ang mga tumatanggap ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Paskuwa ang makakapasok sa espirituwal na mundo kung saan sila malayang maglalakbay sa sansinukob. Umasa tayo sa walang hanggang espirituwal na mundo sa halip na sayangin ang ating buhay, tumutuon lang sa materyalistikong mundo, at makibahagi sa banal na pangako na buhay na walang hanggan (Paskuwa).
Ang Church of God, na tinatag ng Ikalawang Pagdating na Cristo Ahnsahnghong, ay ang tanging Simbahang sumusunod sa Paskuwa ng bagong tipan.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy