Natanggap ng mga Israelita ang Sampung Utos sa ikalawang pagkakataon matapos silang magsisi sa kanilang pagsamba sa diyos-diyosan, at pinangalanan ng Diyos ang araw na iyon na Araw ng Pagtubos dahil natanggap nila ang pagtubos mula sa Diyos.
Ang Kapistahan ng mga Trumpeta sa unang araw ng ikapitong buwan ayon sa banal na kalendaryo ay ang kapistahan kung kailan hinipan nang malakas ang trumpeta ng pagsisisi para ipahiwatig na ang lahat ng bayan ay dapat magsisi sa Diyos dahil pagkalipas ng sampung araw ay ang Araw ng Pagtubos.
Gaya ng hinipan ng mga Israelita ang trumpeta ng pagsisisi sampung araw bago ang Araw ng Pagtubos sa panahon ni Moises, dapat nating hipan ang trumpeta para tawagin ang buong mundo na pumunta kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina upang maligtas sila at upang magkamit ng ganap na pagsisisi sa pamamagitan ng bautismo at ng mga kapistahan ng bagong tipan.
“Magsalita ka sa mga anak ni Israel: Sa unang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng unang araw ng ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta. Kayo’y huwag gagawa ng anumang mabigat na gawain at kayo’y mag-aalay ng handog sa PANGINOON na pinaraan sa apoy.”
Leviticus 23:24–25
Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit.
Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi.”
Luke 5:31–32
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy