Ang bawat salita ng Diyos na nakarekord sa Biblia ay natutupad lahat, nang walang palya. Pinatotohanan ng Biblia si Jesus na dumating 2,000 taong nakalilipas, at pinatototohanan nito ang gawain ng kaligtasan na isasagawa ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, na dumating bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal, sa Panahon ng Espiritu Santo.
Prinopesiya ng Biblia na ang bayang maliligtas — ang mga may pananampalatayang magtatagumpay sa mundong ito na pinaghaharian ni Satanas — ay ang nalabi sa binhi ng babae, na tumutupad sa mga utos ng Diyos. Pinatototohanan din nito na sila, tulad ni Isaac, ay tatanggap ng pamana ng kaharian ng langit sa pamamagitan ni Ina.
Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin. John 5:39
At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya’y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay itinapong kasama niya. Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus. Revelation 12:9, 17
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy