Gaya ng nilalagay ang panghulog para makita kung tinatayo ang gusali nang matuwid o hindi, binibigyan ng Diyos ang Kanyang mga anak ng mga pagsubok para makita kung tinatayo nila ang bahay ng kanilang pananampalataya nang matuwid gaya ng ginawa ng Diyos kay Job, Shadrac, Meshac, at Abednego. Gayunman, laging kasunod nito ang Kanyang mga pagpapala sa huli.
Tinuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina ang mga miyembrong nagtatayo ngayon ng mga bahay ng kanilang pananampalataya na pag sinusubok ng Diyos ang buong daigdig, sisiyasatin Niya ang mga salita, mga gawa, at ang puso ng bawat tao at pagkatapos ay magdadala Siya ng sakuna sa mga walang pananampalataya na nagbubulung-bulungan at nagrireklamo. Tinuruan din Nila ang mga miyembro na laging isipin tanging ang kaharian ng langit at ang Diyos sa ano mang sitwasyon.
Ipinakita niya sa akin: Narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na itinayo na may panghulog, na may panghulog sa kanyang kamay … At sinabi ng Panginoon, “Tingnan ninyo, ako’y maglalagay ng panghulog sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdaraan pa sa kanila.”
Amos 7:7–8
“Papatayin ko ng salot ang kanyang mga anak. At malalaman ng lahat ng mga iglesya na ako ang sumisiyasat ng mga pag-iisip at ng mga puso, at bibigyan ko ang bawat isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.”
Revelation 2:23
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy