Ang Biblia ay hindi kathang-isip; ito ang salita ng buhay mula sa Diyos, na gumagarantiya sa hinaharap ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga propesiyang ibinigay kay Daniel tungkol sa pagbangon at pagbagsak ng mga kaharian pagkatapos ng Imperyo ng Babilonia, ang paglalarawan sa water cycle, at ang mga siyentipikong katotohanan gaya ng pagbitin ng daigdig sa kalawakan na ipinahayag kay Job 3,500 taon na ang nakalilipas, tiyak nating malalaman na ang Biblia ay salita ng Diyos.
Nakita ni Apostol Juan ang mga banal na maliligtas—na ang mga pangalan ay nasusulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Ngayon, ang mga miyembro ng Church of God, na ang mga pangalan ay nasusulat sa aklat ng buhay gaya ng nakita ni Apostol Juan, ay tumutupad sa mga propesiya, dahil lubos silang nakilos ng walang hanggang kaluwalhatian na tatamasahin nila sa kaharian ng langit.
“ ‘Ngunit tatanggapin ng mga banal ng Kataas-taasan ang kaharian, at aangkinin ang kaharian magpakailan kailanpaman.’ ” Daniel 7:18
Hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magbibigay-liwanag sa kanila, at sila’y maghahari magpakailanpaman. Revelation 22:5
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy