Maraming tao ang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsisimba lang, nagiging totoong bayan sila ng Diyos. Gayunman, sa pamamagitan ng kautusan ng buhay ng Diyos, tinutukoy Niya ang mga totoong bayan at mga huwad.
Ang mga totoong bayan ng Diyos na may pagkamamamayan sa langit ay dapat na mangilin ng Sabbath, na gumugunita sa kapangyarihan ng Tagapaglikha, at ang Paskuwa, na gumugunita sa kapangyarihan ng Manunubos.
Si Solomon, ang hari ng karunungan, ay gumamit ng mga bubuyog at mga paruparo para matukoy ang sariwang bulaklak mula sa artipisyal na bulaklak. Gaya nito, kinikilala ng Diyos ang Kanyang totoong bayan sa pamamagitan ng Kanyang mga utos gaya ng Sabbath at ng Paskuwa.
Ngayon, napakaraming miyembro sa buong mundo ang sumusunod sa mga utos ng Diyos —
ang tanda ng bayan ng Diyos, na ipinanumbalik sa pamamagitan ng mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina.
Sapagkat marami ang mga lumalakad na siyang madalas kong sabihin sa inyo, at ngayo’y sinasabi ko sa inyo na may pagluha, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo.
Ang kanilang kahihinatnan ay kapahamakan, ang kanilang tiyan ang kanilang diyos, at ang kanilang kahihiyan ang kanilang kapurihan, na nakatuon ang isip sa mga bagay na makalupa.
Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit
Philippians 3:18–20
“ ‘Inyong ipapangilin ang Sabbath, sapagkat iyon ay banal para sa inyo. Bawat lumapastangan dito ay walang pagsalang papatayin, sapagkat sinumang gumawa ng anumang gawa sa araw na iyon ay ititiwalag sa kanyang bayan.’ ”
Exodus 31:14
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy