Pinalaya ng Diyos si Moises at ang mga Israelita mula sa Ehipto sa kapangyarihan ng Paskuwa. Hindi naipagdiwang ng mga Israelita ang Paskuwa nang 38 taon, pero hinayaan sila ng Diyos na ipagdiwang ang Paskuwa bago mismo pumasok sa lupain ng Canaan. At dumating mismo si Jesus sa lupa at nagbigay ng buhay na walang hanggan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, makikita natin na ang Paskuwa ay isang mahalagang utos na dapat na isaalang-alang ng buong sangkatauhan mula sa kanilang mga ninuno.
Ngayon, muling tinuro sa atin ni Cristo Ahnsahnghong ang Paskuwa ng bagong tipan, na hindi naipagdiwang nang mga 1,600 taon, at sa ilalim ng patnubay ng Diyos Ina, ipinagdiriwang ito ng mga miyembro ng Church of God sa buong mundo nang banal. Ito ay dahil ang kamangha-manghang pagpapala na pagiging mga anak ng Diyos ay nakapaloob sa Paskuwa.
Kung hahanapin mo ang Diyos, at dadaing ka sa Makapangyarihan sa lahat; kung ikaw ay dalisay at matuwid; tiyak na gigising siya dahil sa iyo, at ibabalik ka sa iyong matuwid na tirahan. At bagaman maliit ang iyong pasimula, ang iyong huling wakas ay magiging napakadakila. “Sapagkat magsiyasat ka sa mga nagdaang panahon, hinihiling ko sa iyo, at isaalang-alang mo ang natuklasan ng mga ninuno”
Job 8:5–8
lumapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsasabi, “Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ka ng kordero ng paskuwa?” … dumampot si Jesus ng tinapay … “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.” At kumuha siya ng isang saro … “Uminom kayong lahat nito, sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”
Matthew 26:17–28
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy