Propetikal na nilalarawan ng Biblia ang panahong ito bilang panahon ng matinding krisis.
Habang nag-uumapaw ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at nagaganap ang di-mabilang na sakuna sa klima, ang mga tao ay gumagawa ng mga plano para tumakas tungo sa kalawakan, sa kailaliman ng karagatan,
o sa ilalim ng lupa. Pero sinasabi ng Biblia na walang kanlungan ng kaligtasan maliban sa Zion,
kung saan nananahan ang Diyos Ina.
Gaya ng inihayag ng Diyos kay Daniel ang panaginip ni Haring Nebukadnezar at at binigyang-kahulugan ito para sa kanya, inihayag Niya ngayon na ang pinakaligtas na kanlungan sa gitna ng mga sakuna ay ang Diyos Ina.
Gaya ng nadarama ng mga anak na pinakaligtas sila sa mga bisig ng kanilang ina sa oras ng panganib, inihayag ng Diyos na ang Diyos Ina ang pinakaligtas na lugar para sa sangkatauhan sa panahon ng mga sakuna.
“Aking lubos na lilipulin ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa,” sabi ng PANGINOON. “Aking pupuksain ang tao at ang hayop; lilipulin ko ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang katitisuran kasama ang masasama; aking aalisin ang sangkatauhan sa ibabaw ng lupa,” sabi ng PANGINOON.
Zephaniah 1:2–3
Ngunit kung ang masamang aliping iyon ay magsabi sa kanyang puso, ‘Magtatagal ang aking panginoon,’
at pinasimulan niyang bugbugin ang mga kapwa niya alipin, at nakisalo at nakipag-inuman sa mga lasing,
darating ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman,
at siya’y pagpuputul-putulin at ilalagay na kasama ng mga mapagkunwari, kung saan ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Matthew 24:48–51
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy