Ang Sampung Utos na ibinigay sa unang pagkakataon na natanggap ni Moises ay nabasag dahil sinamba ng mga Israelita ang gintong guya. Matapos maunawaan ng mga Israelita ang kanilang mga kasalanan at magsisi, bumaba si Moises dala ang mga Sampung Utos na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos sa ikalawang pagkakataon bilang tanda ng pagpapatawad. Ito ang pinagmulan ng Araw ng Pagtubos.
Pag nagkakasala ang isang tao, ang kasalanang ito ay pansamantalang nililipat sa Diyos, sa santuwaryo, hanggang sa Araw ng Pagtubos. Matapos pumasok ang pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan at isagawa niya ang seremonya na pagwiwisik ng dugo, ang kasalanan ay lubusang pinatatawad. Gayundin, ngayon, walang sino mang maaaring magkamit ng ganap na kapatawaran ng kasalanan o kaligtasan nang hindi tumatanggap ng biyaya mula sa Jerusalem, na Siyang Dakong Kabanal-banalan.
“Pagkatapos niyang matubos ang dakong banal, ang toldang tipanan, at ang dambana, ay ihahandog niya ang kambing na buháy. At ipapatong ni Aaron ang kanyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buháy, at ipahahayag sa ibabaw niyon ang lahat ng mga kasamaan, mga paglabag at lahat ng mga kasalanan ng mga anak ni Israel. Ilalagay niya ang mga iyon sa ulo ng kambing at ipapadala sa ilang sa pamamagitan ng isang taong pinili. Dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila sa lupaing walang naninirahan, at pakakawalan niya ang kambing sa ilang.”
Leviticus 16:20–22
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy