Ang kwalipikasyon upang makapasok sa kaharian ng langit ay tanging sa mga gumaganap ng kalooban ng Diyos. Ang Biblia ay mensahe ng kaligtasan ng Diyos sa buong sangkatauhan, isinulat ng mga propeta na inudyukan ng Espiritu Santo upang irekord ang Kanyang kalooban. Ito ang dahilan kung bakit iniutos ng Diyos na hindi tayo dapat na magdagdag ni mag-alis ng mga salita nito.
Sa Biblia, ang Diyos ay tinutukoy nang pangmaramihan, hindi nang pang-isahan, nang humigit-kumulang 2,500 beses. Bukod dito, ang Biblia ay nagpapatotoo na kung paanong may ina sa mundo ng mga halaman at mga hayop na nalikha ayon sa kalooban ng Diyos, gayundin sa kaharian ng langit, mayroon ding Diyos Ina na nagbibigay ng buhay na walang hanggan, at na mayroon tayong espirituwal na makalangit na pamilya.
“Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo’y aking tatanggapin, at ako’y magiging ama sa inyo, at kayo’y magiging aking mga anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” 2 Corinthians 6:17–18
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ating ina. Galatians 4:26
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy