Ang Simbahan kung saan ipinagkaloob ni Jesus ang kaligtasan nang pumarito Siya sa lupa 2,000 taong nakalilipas at tinatag ang Paskuwa ng bagong tipan, at ang Simbahan na dinaluhan ng mga banal ng sinaunang Simbahan gaya ng mga Apostol na sina Pablo, Pedro, at Juan, ay ang Church of God. Gayunman, noong mga ika-4 na siglo, ang mga regulasyon ng Diyos ay inalis, at ang mga paganong kagawian ay pumasok sa simbahan. Ang liwanag ng kaligtasan ay nawala, at nagsimula ang Panahon ng Kadiliman.
Ayon sa propesiya ng Biblia, tinatag ni Cristo Ahnsahnghong ang Church of God sa Korea noong 1964 at pinangunahan ang Simbahan sa pamamagitan ng katotohanan ng Paskuwa ng bagong tipan batay sa Biblia at sa saligang inilagay ng mga propeta. Pinatotohanan Niya sa Kanyang mga anak ang tungkol sa Diyos Ina, na pumarito sa lupa para iligtas ang sangkatauhan, sinasabing, “Sinunod ni Pedro si Jesus, at Ako ay sumusunod kay Ina.”
Sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa mga ginawang banal kay Cristo Jesus, mga tinawag na banal, kasama ng lahat na sa bawat lugar ay tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kanila at ating Panginoon 1 Corinthians 1:2
na itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok. Ephesians 2:20
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy