Sa panahon ni Moises, niligtas ng Diyos ang mga Israelita na nagdiwang ng Paskuwa mula sa salot at pinarusahan ang lahat ng sambahayan ng Ehipcio na hindi nagdiwang ng Paskuwa. Ipinapakita nito sa atin kung paano tayo maliligtas mula sa mga sakuna at makakatanggap ng buhay na walang hanggan sa panahon ding ito.
Ang Paskuwa ng bagong tipan ay ang araw kung kailan namamana ng sangkatauhan ang laman at dugo ng Diyos at natatatakan sila bilang mga anak ng Diyos, at ito ang araw kung kailan napapatawad sila sa mga kasalanang nagawa nila sa langit at nakakatanggap ng buhay na walang hanggan.
Ito ang dahilan kung bakit nagbibigay ang Diyos ng isa pang pagkakataon na maipagdiwang ang Paskuwa sa ika-14 na araw ng ikalawang buwan sa sagradong kalendaryo, pinakahahangad na maipagdiwang ng buong mundo ang Paskuwa at na matanggap nila ang kaligtasan.
“Sabihin mo sa mga anak ni Israel … kanyang ipapangilin din ang paskuwa sa PANGINOON. Sa ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, sa paglubog ng araw ay kanilang ipapangilin; kanilang kakainin ito kasama ng mga tinapay na walang pampaalsa at mga gulay na mapait … hindi mangingilin ng paskuwa ay ititiwalag sa kanyang bayan sapagkat siya’y hindi nag-alay ng handog sa PANGINOON sa takdang panahon, ang taong iyon ay mananagot sa kanyang kasalanan.”
Numbers 9:10–13
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy