Sa pamamagitan ng talinghaga ng taong mayaman at ni Lazaro, tinuro ni Jesus sa sangkatauhan na ang buhay sa lupang ito ay hindi ang katapusan. Kahit na namuhay si Lazaro sa kahirapan sa lupa, namuhay siya bilang isang manlalakbay na may pag-asa para sa langit at nakatagpo niya ang kaligayahan sa huli.
Sa kabilang banda, ang taong mayaman ay namuhay nang marangya, pero namuhay siya bilang isang lagalag. Nabigo siyang makapaghanda para sa kaharian ng langit at sa huli ay nagdusa sa impiyerno.
Ibinigay ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina sa sangkatauhan ang patotoo ng mga ninuno ng pananampalataya gaya nina Abraham at Moises na nagsabing, “Kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa lupang ito.”
Sa pamamagitan ng mga rekord na ito sa Biblia, niliwanagan Nila ang buong sangkatauhan sa katotohanan na ang kanilang tunay na tahanan na dapat nilang balikan ay ang kaharian ng langit.
Ang lahat ng mga ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, ngunit mula sa malayo ang mga iyon ay kanilang natanaw at binati. Kanilang ipinahayag na sila’y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa
Hebrews 11:13
“Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan … ako’y paparoon upang ihanda ko ang lugar para sa inyo … upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon.”
John 14:1–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy