Dahil pumarito si Jesus bilang tao, kumain ng pagkain ng mga tao, at namuhay na tulad ng mga tao, hindi Siya nakilala bilang Diyos ng napakaraming tao at sa halip ay tinakwil Siya. Iyan ang dahilan kung bakit tinuturo sa atin ng Biblia na ang bawat espiritung kumikilala na si Jesus ay pumarito sa laman ay mula sa Diyos, at ang bawat espiritung hindi naghahayag nito ay espiritu ng anti-Cristo.
Sa Panahon ng Espiritu Santo, pumarito si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina upang iligtas ang sangkatauhan. Upang matanggap ng sangkatauhan ang pagpapala ng kaligtasan mula sa Diyos, dapat muna nilang isantabi ang kanilang mga sariling haka-haka at manampalataya sa propesiya ng Biblia, na nagsasabing ang Diyos ay darating sa ikalawang pagkakataon sa laman.
na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan. Sapagkat may isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, 1 Timothy 2:4–5
Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman ay sa Diyos, at ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng anti-Cristo 1 John 4:2–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy